Sobrang Daming Mga Jesus

– Ngunit Walang “Jesus na Taga-Nazareth”


“Hinanap ko siya ngunit hindi ko siya natagpuan” (Awit ni Solomon 3.1)
Mga Aklat-Pinagkuhanan:
Paul Johnson, A History of the Jews (Phoenix Grant, 1987)
John P. Meier, A Marginal Jew - Rethinking the Historical Jesus (Doubleday, 1991)
Josephus, The Jewish War (Penguin, 1959)
Leslie Houlden (Ed.), Judaism & Christianity (Routledge, 1988)
Riane Eisler, The Chalice & the Blade (Harper Collins, 1987)
Geza Vermes, The Changing Faces of Jesus (Allen Lane, 2000)
A.N.Wilson, Jesus (Harper Collins, 1993)
Ian Wilson, Jesus: the Evidence (Weidenfeld & Nicolson, 1984)
Alvar Ellegard, Jesus One Hundred Years Before Christ (Century, 1999)
Johannes Lehmann, The Jesus Report (Souvenir Press, 1972)

esulatan ang may-akda–
Kenneth Humphreys
Site Search: search tips    site map
12.11.08 

 

 

 

Huwad

"Ang Jesus ng mga Ebanghelyo ay isang huwad na nilalang, isang pinagsamasamang obra ng sining na marahang umusbong sa pamamagitan ng magkahalong kamalayan ng dalawang salinlahi ng mga mananambang Cristiano."

– A. N. Wilson (Paul, p144)

 

 

 
 

Walang Katibayan

"Matagal nang pinagtatalunan kung si Jesus ay umiral nga. Ang katunayan (na masagana nang naitala) ay walang anomang ebidensya na katig sa kanyang pag-iral sa alinmang mga talaan bukod sa sukdol kadudadudang mga sariling basehan ng mga Cristiano rin.”

– Riane Eisler (The Chalice & the Blade, p122)

 
 
 

 

 

Patotoo ng Mga Di-Cristiano?

Ni hindi isinilang noong 30 AD:

Josephus – c37AD-c100AD;
Tacitus – c55AD - c117AD;
Suetonius – c69AD - 140AD
 
 
 
 

 

 

Chrestus?

“Mahilig ang mga tagapagtanggol ng Cristianismo na ituro ang isang sitas ni Suetonius na bumabanggit sa isang nagngangalang ‘Chrestus’ na diumano’y tumutukoy sa kanilang Tagapagligtas; subalit, habang ang palagay ng iba ay nagkaroon ng lalaking Romano na ganito ang pangalan noong panahon na iyon, ang bansag na ‘Chrestus’ o ‘Chrestos’ – na ang ibig sabihin ay ‘kapakipakinabang’ – ay karaniwan lang na tinataglay ng mga aliping napalaya na."

– Acharya S

 
 
 
 
 
 
 
 
 

 Wala Kahit Isang Salita

“Wala kahit isang salita si Jesus na hindi mahahanapan ng katapat sa mga sinabi na ng mga rabi.”

- Mark Tully (Lives of Jesus, p80)

 
 
 
 
 
 
 

Matandang Pauna

Silipin:

Ang “Sagrada Familia"
– sa Luxor noong 1700 BC!

 
 
 

 

 

 
 

Bato-Bato sa Langit

Habang umiinog ang mundo, magmimistulang umiikot ang mga bituin sa isang bituin na nakatapat na pinakamalapit sa axis ng pag-ikot ng Daigdig.

(Sa hilagang kalahati ng mundo, ito ay ang bituing Polaris. Sa timugang kalahati ng mundo, ito humigit-kumulang ay ang bituing Sigma Octaris.)

Kung gayun, bukod sa maaari silang mapadpad sa hilagang polo ng mundo, ang mga naghahanap sa Mesiyas – kung kaya nilang humabol – ay walang kapatusang iikot-ikot lamang habang sinusundan ang isang malaking bilog.,

Mabuti siguro maniwala na ka na lang rin na kometa ang nakita ng “tatlong hari”…

 

 

‘Isinilang sa lilim ng bituin’ mula sa manghuhulang may nagsasalitang asno

Kung nagtataka ka saan nanggaling ang tanyag na kawikaang “isinilang sa lilim ng isang bituin”, sa totoo lang ay nanggaling ang kalokohang iyan sa bibig ng isang salamangkerong Arabo na inupahan upang maglagay ng sumpa sa Israel.

 

“At sinabi ni  Balaam sa asno, Dahil iyong hinamak ako, sana ay mayroon akong tabak sa kamay, sapagkat papatayin kita ngayon.

At sinabi ng asno kay Balaam, Hindi ba asno mo ako, na iyong inuupuan mula nang mapasaiyo ako hanggan sa araw na ito? Naging ugali ko ba ang gawin ang ganito sayo? At sinagot nga niya, Hindi.”

- Mga Bilang 22.29,30

 

Ilang sandali pa ay sasambitlain ni Balaam ang mga salita na sa wkas ng ilang siglo pa ay dudukutin at pipilitipin ng mga manunulat Cristiano:

“At sinabi ni Balaam kay Balak … lalabas ang isang Bituin mula kay Jacob.” – Mga Bilang 24.12,17

 

 

 
 
 
 
 
 

Tinuturing na Mga Manggagantso Noon Pa Mang Ika-2 Siglo:


'
“Maliwanag na ginamit ng mga Cristiano ang … mga alamat … sa paghibla ng kuwento tungkol sa ‘kapanganakan’ ni Jesus …

Malinaw sa akin na ang mga kasulatan ng mga Cristiano ay pawang kasinungalingan at ang inyong mga kathang-isip ay hindi man lamang maayos ang pagkakagawa para maikubli nito ang kanyang malinaw na kabulaanan.”

– Celsus ((Tungkol sa Tunay na Aral, c 178 AD)

 

 

 

 

 

 

 

Sa Lupain ng Nod

Tulog ang mga alagad, si Jesus nakikipag-usap sa Dios. Sino ang nagrerekord?

 

 

 

 

 

 

Kilala ba ng Mga Rabi si Jesus?

Walang binabanggit sa mga pinakaunang akda ng mga rabi tungkol sa taong-dios ng mga Cristiano.

Noon lamang naging mahigpit na kalaban na ng Judaismo ang Cristianismo nagsimulang magpakalat ng sarili nilang paninira ang mga rabi.

Ang Talmud.

 

 

 

 

 

 

May Kaibigan Pa Ngang “Jesus” Din si Pablo!

“Ipinapaabot ng aking kapwa bilanggong si Aristarco ang kanyang pagbati, gayon din si Marcos, pinsan ni Barnabas … Si Jesus na tinatawag na Justo ay bumabati rin. 

Ito lamang ang mga Judio sa aking mga kamanggagagawa sa kaharian ng Dios, at napatunayan silang kaaliwan sa akin.”

– Colosas 4.10,11.

 

 

 

 

 

 

 

 

Nagkaroon nga ba ng Jesus? Oo naman nagkaroon ng Jesus –napakarami!

Para sa mga Judio, ang pinakahuwarang bayani ay si Josue (ang humalili kay Moises), na kilala rin bilang Yeshua ben Nun (‘Jesus ng mga isda’). Dahil ang pangalang Jesus (Yeshua o Yeshu sa wikang Hebreo, Ioshu sa Griyego, na pinag-ugatan ng baybay nito sa Ingles) ay nagsimula bilang isang pamagat (ang ibig sabihin ay ‘tagapagligtas’, galing sa ‘Nagliligtas si Yahweh’), marahil bawat kilusang rebelde ng mga Judio ay mayroong kinikilalang isang nagbibidabidahan sa gitna nila na may ganyang-ganyan na pamagat. Ito’y bukod pa sa iba’t ibang mga bansag na maaaring ipinangtatawag din sa kanya.   

Ang historyador na si Josephus noong unang siglo ay nagtala ng hindi bababa sa labingsiyam na sarisaring mga Yeshua/Jesii, halos kalahati sa kanila ay mga kasabayan ng diumano ay si Cristo! Sa kanyang aklat na Antiquities, sa dalawampu’t walong punong saserdote na naluklok mula nang maghari si Herodes na Dakila hanggang sa gibain ang Templo, hindi bababa sa apat ang may pangalang Jesus. Ito’y sina Jesus ben Phiabi, Jesus ben Sec, Jesus ben Damneus, at Jesus ben Gamaliel. Si San Pablo man ay mayroong binanggit na isang karibal na salamangkero, na nangangaral ng “ibang Jesus” (2 Crinto 11.4). Kabilang sa sobrang daming mga Jesus noong sinaunang panahon ay sina:

Lubhang Nakakapagtaka Para Magkataon Lamang

Ayon sa ulat ng Biblia, inalok ni Pilato ang mga Judio na pakawalan ang isang matuwid na bilanggo datapwat pinili ng sinumpang lahi si Barabbas sa halip ng maamong si Jesus.

Pero sandali lang: sa original na kasulatan na sinuri ni Origen (at sa iba pang mas bago) ang piniling pusakal ay si Jesus Barabbas – at sa Hebreo ibig sabihin ng ang Bar Abba ay ‘Anak ng Ama’.

Maniniwala ba tayo na ang mga naharap kay Pilato na mga bilanggo sa iisang piitan ay isang Jesus, Anak ng Dios at isang Jesus, Anak ng Ama???!!

Marahil ang totoong nangyari ay ganito: may iisa lamang kriminal na binitay at mula dito ay pinalawig na lamang ang kuwento upang gawing isang pabulosong katha.

Ang mga sumulat ng ebanghelyo, sa pagkalawkaw sa mga detalye, ay ginamit ang Aramaikong Barabbas palibhasa a kakaunti sa mga Latin at Griyego noon ang alam nilang makakahuli sa kahulugan nito.

Jesus ben Sirach. Ang Jesus na ito ay naiuulat na may-akda ng Aklat ng Sirach (kilala rin bilang Ecclesiasticus, o Karunungan ni Jesus ang Anak ni Sirach), isang bahagi ng Apocrypha ng Matandang Tipan. Pinagsama ni Ben Sirach, gamit ang wikang Griyego noong mga 180 BC, ang mga "karunungan” ng mga Judio at mga bayaning alinsunod sa istilo ni Homer.

Jesus ben Pandira. Isang tagapag-himala noong panahon ni Alexander Janneus (106-79 BC), isa sa mga pinakamalulupit na haring Macabeo. Labag sa katinuang-isip, inilunsad ng Jesus na ito ang isang gawain ng propeta sa mga huling araw at mga sari-saring panggugulo na ikinainis ng hari. Natikman niya ang kanyang sariling huling araw nang ibigti siya sa isang puno – sa bisperas ng isang Pascua. Tinataya ng mga dalubhasa na ang Jesus na ito ang nagtatag sa sekta ng mga Essene.

Jesus ben Ananias. Simula 62 AD, naghatid ng kaguluhan sa Jerusalem ang Jesus na ito sa pamamagitan na walang katapusan at paulit-ulit na babala “Kawawa ang lungsod”. Malabo niyang hinulaan na:

Isang tinig mula sa silangan, isang tinig mula sa kanluran, isang tinig mula sa apat na hangin, isang tinig laban sa Jerusalem at sa banal na bahay, isang tinig laban sa mga asawang lalaki at mga asawang babae, at isang tinig laban sa buong bayan.”
–Josephus, Mga Digmaan 6.3.

Matapos dakpin at malatigo ng mga Romano, pinakawalan siya bilang isang hunghang na hindi naman talaga mapanganib. Namatay siya noong panahong kubkubin ang Jerusalem nang salpukan siya ng isang tipak ng bato na tumilapon mula sa isang katapult ng mga Romano.

Jesus ben Saphat. Noong himagsikan ng 68 AD na nagpagulo sa Galilea, pinangunahan ng Jesus na ito ang mga rebeldeng sa Tiberias. Nang akmang mahuhulog na ang lungsod sa mga hukbo ni Vespasian ay tumakas ito pahilaga sa Tarichea na nasa Dagat ng Galilea.

Jesus ben Gamala. Noong 68/69 AD ay pangulo ang Jesus na ito sa isang ‘pulutong pangkapayapaan’ sa digmaang sibil na nananalasa noon sa Judea. Mula sa tuktok ng pader ng Jerusalem ay pinapamamanhikan niya ang mga sumasalakay ng Idumeano (pinamumunuan nina ‘Santiago at Juan, mga anak ni Susa’). Wala itong idinulot na mabuti. Nang mabitak ng mga Idumeano ang pader ay di-kawasang pinatay ito, ang kanyang katawan itinapon sa mga aso at mga buwitre.)

Jesus ben Thebuth. Isang pari na, nang masalakay na ang mataas na bahagi ng lungsod Jerusalem noong 69 AD, ay nilusutan ang tiyak na kamatayan sa pamamagitan ng pagsuko niya sa mga kayamanan ng Templo, kabilang ang dalawang kandelabra, lantay na gintong mga kopa, mga sagrado tabing, at mga balabal ng punong saserdote. Ang mga kamkam na ito ay kasama sa mga ipinagmamalaki sa Pagdiriwang ng Tagumpay na ginawa para kina Vespasian at anak nitong si Titus.

 

Ngunit nagkaroon ba ng Jesus na ipinako sa krus?

Oo meron. Si Jesus ben Stada ay isang teroristang Judeano na nagbigay sakit ng ulo sa Roma noong mga unang taon ng ika-2 siglo. Napuksa siya sa bayan ng Lydda (dalawampu’t limang milya mula sa Jerusalem) sa kamay ng isang hukbong Romano na ang mandato ay mamako sa krus. Kung isasaalang-alang ang bangis na inaabot ng galit ng imperyo ng Roma – noong katanghalian ng pagkubkob sa Jerusalem ay pinapako araw-araw ng mga Romano ang higit pa sa limang daang mga preso sa harap ng pader ng lungsod. Maraming patay na mga bayani na may pangalang Jesus ang (literal na) nagkukumapal sa lupa. Walang isa man sa kanila ang may sapat na halaga upang bigyan man lang ng kahit bahagyang pansin ng kasaysayan.


Ngunit sa dami ng mga Jesus hindi kaya nagkaroon ng Jesus na Taga-Nazareth?


Ang suliranin sa ideyang ito ay ang lubos-lubos na kawalan ng anomang uri ng suporta sa diumano’y santong talambuhay. Sa halip ang sinasabing “pinakadakilang kasaysayan” ay tadtad pa nga ng sari-saring kamalian, kontradiksyon, at kalokohan. Halimbawa, noong panahon na si Jose at ng buntis na si Maria ay sinasabing pumaroon sa Bethlehem para sa diumano’y isang senso ng Roma, ang Galilea ay ni hindi pa isang lalawigang Romano, di tulad ng Judea. Kung gayo’y walang anomanang taglay na dahilan si mama’t papa upang maglakbay. Kahit pa sabihing ang Galilea noon ay isa nang teritoryong Romano, walang sinasabi ang kasayasayan na isang “pangdaigdigang senso” na iniutos si Augusto (o sino pa mang emperador). Ang mga buwis na sinisingil ng Roma ay nakasalalay sa mga angking ariarian at hindi sa senso lamang ng tao. Bukod pa sa mga ito, alam natin na ang Nazareth ay ni hindi pa man eksistido noong ikalawang siglo.

Nazareth –
Ang Bayan na Itinayo sa Dahil Lang sa Teyohiya

 

Hindi ito binanggit saanman sa Matandang Tipan o ni Josephus, na nakipagdigma sa buong kahabaan at kalawakan ng Galilea (kasinglaki halos ng pangkalahatang London). Samantalang pinangalanan naman ni Josephus ang dose-doseng iba pang mga bayan. Sa katunayan, marami sa sinasabing paglalakbay ni Jesus ay naganap sa mga dakong kadudaduda rin ang eskistensiya, mga sityo-sityong maliliit na mga Cristiano lang rin mismo ang tila may alam na umiiral ang mga ito. Samantala, ang mga kilalang lungsod na totoong umiral kahit ngayon makikita pa ang mga giba nila ay ni hindi makikitang tinapakan man lang ni Jesus.

Dapat na maging hudyat sa atin na isang malaking pandaraya ang lahat dahil lahat halos ng mga diumano’y natupad sa buhay ni Jesus ay makikita ring nangyari sa buhay ng mga sinaunang tauhan sa mga matatandang alamat. Pag-usapan man ang mahiwagang pagkasilang, maaksiyong kabataan, mga kahangahangang pagpapagaling – lahat ng mga “tanda” na iyan ay pinamalas na ng ibang mga diosdiosan, maraming siglo bago pa man nagkaroon ng kahit isang Judiong mangangaral. Pangkaraniwan lang rin ang diumano’y mga pangaral at salawikain ni Jesus, na pawang pinagpupulot sa panitikan ng mga Judio, mga kaisipang neo-Platoniko, at mga komentaryo ng mga dalubhasang Stoiko at Cyniko.  

 

 

 

 

Saan Galing ang Kanilang Paniniwala?

“Ama Namin” Nga Ba?  – Hindi, kundi pinagandang litanya lamang ng mga Judio

Garalgal
rosary

Binibilang ng mga monghe noong Gitnang Panahon ang paulit-ulit na pagusal sa “Ama Namin” gamit ang mga bato o buto na tinuhog ng sinulid. Hindi marunong ang karamihan ng Latin kaya wala silang kaide-ideya kung ano ang pinagsasabi nila.
 


Ang bagong tipan ay sagana sa mga dasal, imno, at mga deklarasyon ng paniniwala. Kapansin-pansin, hindi ikinapit ng sinaunang simbahan sa kanyang engrandeng bayani ang mga titik ng mga dasal at imno na ito (bagay na sana’y aasahan natin sa isang dakilang “Guro). Ang bukod-tangi sa mga ito wari ba ay ang “Ama Namin” – ngunit sa kanya nga ba ito?

Mahahalata na ang “Ama Namin” ay dahan-dahang umusbong sabay lang sa alamat mismo ng “Panginoon”.

Sa loob ng unang apat na siglo ng Cristianismo, kaunting-kaunti lamang ang mga bumanggit sa “Ama Namin”. Totoo nga na patatagpuan ito sa Mateo 6 at Lucas 11, ngunit wala isa man sa mga tagapagsanggalang ng Cristianismo, halimbawa, ang bumanggit man lamang dito! Salat din ang katunayang makakalap sa arkeolohiya: ang ‘Bodmer XIV’ papyrus at isa pang papyrus makikita sa Antinoöpolis ay nakaturo sa ika-3 at ika-4 na siglo.

Ngunit isang salin ng dasal na ito ang matatagpuan sa isang limbag mula sa ikalawang siglo na tinatawag na Didache. Sa babasahing ito (kilala rin bilang Aral ng Labingdalawang Apostol) ay mababasa ang kilalang talata:

‘Huwag kayong manalangin na gaya ng mga balat-kayo, kundi sa paraan na iniutos ng Panginoon ay manalangin kayo: Ama namin sa langit, sambahin ang pangalan mo. Dumating ang kaharian mo. Ganapin ang kalooban mo sa langit gayon din sa lupa. Ibigay mo sa amin ang aming tinapay sa araw-araw. At ipatawad mo ang aming mga utang kung paanong pinapatawad namin ang mga tagautang namin. At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi ay iligtas mo kami sa masama: sapagkat sa iyo ang kapangyarihan at ang kaluwalhatian magpakailanman.’


Malinaw na ebidesya? Hinding-hindi – sapagkat ang pinag-uusapan nating dokumento ay itinakwil ng Simbahan noong ika-3 siglo! Ang labingdalawang apostol na binanggit sa mahabang pamagat ng Didache ay hindi ang mismong labingdalawang apostol ni Jesus kundi ay tumutukoy sa labingdalawang mga anak ni Jacob na bumubuo sa labingdalawang angkan ng Israel.

Ang Didache ay hindi mahahanap sa alinmang Biblia dahil ito ay literaturang laan para sa mga Judio!! Ayon sa babasahing ito na matanda pa sa mga ebanghelyo, lilitaw sa “mga huling araw” ang isang “mandaraya ng daigdig” na ituturing na “anak ng Dios, na gagawa ng mga himala ay kababalaghan” at walang anoman tungkol sa isang banal na karpintero (kabanata 16.3,4)! Palibhasa hindi pa buo rito ang katha. Sa Didache ay wala pang pagkasilang sa isang birhen, walang pang pangangaral, wala pang pagkapako sa krus. Totoo, apat na ulit binanggit ang “Jesus”, ngunit sa bawat pagkakataon ay bilang tagapagdala lamang ng karunungan sa ‘Panginoon’ (alalaon baga’y ang Dios).

May higit na luma pang pinag-ugatan ng dasal ang matatagpuan sa mga matatandang pagsamba. Isang salin ng Kaddish ang mayroon ng ganito:

“Sambahin nawa ang kanyang dakilang pangalan sa daigdig na kanyang nilikha ayon sa kanyang kalooban, at maitatag nawa niya ang kanyang kaharian … nang matulin at sa nalalapit na panahon.”

Ang bansag na ‘Ama’ (abinu o Abba) ay pangkaraniwan sa mga pagsambang Judio (halimbawa, sa ika-5 at ika-6 na basbas ng Shemoneh ‘Esreh – ang 18 na biyaya – na ayon sa nakagisnan ay sinulat noong Second Temple Period (ika-6 siglo BC – 70 AD). Sa kampo ng mga Hasideano, ang pagtawag sa ‘Ama Namin na nasa langit’ ay hindi bagay na madalang.

Ang una at tampok na bahagi ng ‘Ama Namin’ ay isang dasal para sa pagdating ng ‘kaharian ng Dios’ katulad rin ng sa Kaddish. Kung ihahambing, ginamit ito ng sinaunang pangkat ng mga Cristiano upang iakma sa kanilang pag-asa na bumalik na ang kanilang bayani – HINDI ang pagdating ng ‘kaharian’. Walang anomang ipinapahayag na paniniwala sa ‘Ama Namin’ na dumating na ang Mesiyas sa katauhan ni Jesus.

Ang ‘ibigay mo sa amin ang aming tinapay sa araw-araw’ ay hango sa Mga Kawikaan (30.8) na inakda sa pagitan ng ika-6 at ika-3 na siglo BC.”

Ang ‘patarawin mo ang iyong kapwa kung sinaktan ka niya: sa gayon ay ipapatawad sa iyo ang iyong mga kasalanan’ ay kinuha sa Ecclesiasticus (28.2), isang likha noong ika-2 siglo BC.

Walang ‘Ama Namin’ sa Marcos ngunit ayon kay ‘Marcos’ ay tinanong ng ‘isa sa mga escriba’ si JC kung alin ang unang utos? Isang mangangamoy-Judiong sagot ang binigay nitong tao-na’y-Dios-pa.

“Ang una sa mga utos ay ito: Dinggin mo, O Israel; Ang Panginoon nating Dios ay isang Panginoon.“ (Marcos 12.29)  

Batay sa munting kwento na ito, pinalilitaw ni ‘Lucas’ na sumasagot si JC sa isang alagad niya. Namataan ng alagad si Jesus habang nananalangin (o kinakausap ang sarili, kung paniniwalaan ang dokrtina Trinidad!) Pakiusap niya, ‘turuan mo kaming magdasal’. Ang tugon dito ay ang diumano’y maikling bersiyon ng ‘Ama Namin’ na makikita sa Lucas.

Pinanday ni ‘Mateo’ ang dasal sa Lucas upang lumitaw ang mahabang bersiyon ng panalangin na kilala ngayon ng lahat.

Sa madali’t sabi, ang panalanign ni tao-na’y-Dios-pa ay halaw mula sa mga mas matatandang trabaho ng mga Judio. Malayo sa pagiging katangitangi, orihinal, o isang katunayan ng pagiging tao-na’y-Dios-pa, ang ‘Ama Namin’ ay walang iba kundi isang dakot ng mga pinaghalo-halong dasal ng mga Judio, na tinitikan upang bigyan ng isang mas magarang kaanyuan.

 

 

 

 

 

 

Hindi Isang Dasal
“Gayunpaman, sa kabila ng katotohanan na ang Ama Namin ay isang sinaunang pagbubuod ng mga tema at katuturan mula sa sariling buhay ni Jesus, hindi ako naniniwala na ang ganitong kaayos na panalangin ay itinuro niya sa kanyang mga tagasunod.”
John D. Crossan
(The Historical Jesus, p294)

 

Kaibigang Di-Nakikita

Nabuhay diumano si ‘Jesus na Taga-Nazareth’ sa isang yugto ng sinaunang panahon na saganang-saganang naitala ng mga sari-saring tagapag-dokumento – ang unang siglo ng panahong Cristiano. Subalit walang kahit isang tagapag-ulat, samakatuwid baga’y yaong hindi Cristiano rin – ang bumanggit man lamang sa diumano’y tagapaghimala na galing sa langit. Lahat ng mga diumano’y mapagbabatayan – kabilang na rito ang mga notoryus na isiningit lang sa mga aklat ni Josephus – ay pawang matutunton ang pinaggalingan sa kampo rin ng mga Cristiano. (Ang pinagtatalunang historyador na si Josephus nga ay isinilang lamang noong tapos na mangyari ang pagpapako sa krus.) Isang nakakagimbal na katotohanan na ang Jesus ng mga Cristiano ay pinulot lamang mula sa mga akdang hindi naman sa kanila, pinabanguhan lang ulit para mapakinabangan ng Simbahan.

Hindi sa isang tunay na tao nagsisimula ang kathang-alamat na si Jesus. Hindi siya isang tao na pinagmistulang-dios, kundi isang dios na pinagmistulang-tao at nagkataong pinangalanan bilang Yeshu. Maaaring lahat sila na mga tunay na Jesus sa pangalan, sila na mga tunay na nabuhay at namatay taglay ang lahat ng mga katangian ng tao, ay pawang nagsipag-iwan ng mga kasaysayan at kuwento-kuwento na sila namang pinagkokopya ng mga manunulat Cristiano sa pagbuo ng kanilang sariling bayani. Ngunit hindi nagsisimula ang istorya sa isang rebelde/mangangagaral/tagapagmilagrong may totoong laman at buto. Sa halip na sa reyalidad, pawang sa paniniwala lang rin nakaugat ang puno’t dulo ng kuwento.

 

Sa Halamanan ng Gethsemani may CNN?

Hindi ba risonable lang na tanungin kung sino ba talaga ang nagtala hindi lamang sa mga panalangin ni Jesus kundi pati ang detalye ng mga papawakas na tagpo na kapiling niya ang kanyang mga alagad? Tinatanung natin ito kasi, ang tanging saksi sana sa mga pangyayari ay pawang natutulog?


“’At kanyang sinabi, “Abba Ama, lahat ay maaaring mangyari sa iyo; alisin mo sa akin ang sarong ito, gayunpaman huwag ang ibig ko kundi ang ibig mo.”
At lumapit siya, at nakitang natutulog sila, at sinabi kay Pedro, “Simon, natutulog ka? Hindi ka ba maaaaring magbantay ng isang oras?
Magbatay ka at manalangin, baka pumasok ka sa tukso. Ang espiritu ay handa ngunit ang laman ay mahina.”
Minsan pa ay umalis siya at nanalangin, at sinalita ang katulad na mga salita.
At nang bumalik siya, nakita niyang natutulog silang muli (sapagkat mabibigat ang kanilang mga mata), at hindi mawari kung ano ang isasagot sa kanya.
At lumapit siya nang pangatlong ulit, at sinabi sa kanila, “Magsitulog na kayo, at magpahinga: sapat na, dumating na ang oras; tingnan ninyo, ang anak ng tao ay ipinagkanulo sa mga kamay ng mga makasalanan.

- Marcos 14.36,41 (Ang ulat ni Mateo ay halos pareho, ang kay Lucas at pinaikling bersiyon, samantalang wala kay Juan ang buong pangyayari).

 

Siyempre bilang santong teyatro, bilang banal na palabas, maaasahan lamang na matatagpuan nga ang mga ganitong pagpaparoo’t parito, paglabas-pasok sa eksena, at mga solong pagtatalumpati. Nahahatang ito’y ipinapatungkol sa kapakinabangan ng mga manonood.

 

Mapapaisip Ka Talaga

Maraming bahagi ng ‘Pasyon’, o dalamhati ni Jesus, ang walang kabuluhan kung titingnan sa anggulo ng kasaysayan.

Nagkaroon ng isang paglilitis para kay Jesus? Samantalang karaniwang gawain ng mga Romano ang ikulong at ibitay ang mga rebelde na walang paglilitis. Iniulat ni Philo ng Alexandria (sa On the Embassy to Gauis, XXXVIII) ang tuloy-tuloy na pagpatay ni Pilato sa mga taong-bayan na walang paglilitis at walang kasalanan. 

At bakit papayagan ng mga Romano na agarang ibaba ang isang kundenadong kriminal mula sa kanyang krus at pagkatapos ay ilagay sa isang libingan? Ginagawa nga nila ang pagpapako sa krus eksaktamente bilang paraan upang ilantad sa madla na ang pinakamalupit at pinaka nakakahiyang parusa ang naghihintay sa mga lumalaban sa kalooban ng Roma. Ang paninindigan ng Roma tungkol sa paggamit ng krus ay buod na sinabi ni Quintilian (AD 35-95, Decl 274) nang isulat niya:

Kailan man at ipinapako namin sa krus ang may sala, ang mga matataong lansangan ang pinipili, kung saan may pinakamaraming makakakita at matigatig sila sa takot. Sapagkat higit na layunin ng parusa ang magbibigay ng halimbawa kaysa magbigay ng ganti.


Isang siglo bago dito, pagkatapos pangunahan ni Spartacus ang ‘paghihimagsik ng mga alipin’, anim na libong mga bilanggo ang ipinako sa krus sa tabing-daan ng Via Appia sa pagitan ng Roma at Cappua bilang malagim na pangontra laban sa rebelyon. Walang pag-aalinlangan na iniwang naaagnas ang mga bangkay sa krus habang nagiging pagkain ng mga ganid at mga buwitre.

Siyempre, kung sa katotohanan ay isang palabas lamang talaga ang Pasyon upang isadula ang pagsilang na muli ng dios-na-araw, madaling maintindihan kung bakit kinailangan agad alisin sa entablado ang bida. Kailangan siyang alisin upang sa susunod na eksena ay lumitaw siya ulit na isa namang “isinilang na muli” …

 

 

Saan Galing ang Kanilang Paniniwala?

asclepius
Asclepius

Asclepius. Pininiwalaan ng mga Griyego na namatay bilang tao ngunit nabuhay na muli bilang dios. Nilahi siya ng isang dios – si Apollo – ngunit tao ang ina (si Coronis, isang magandang dilag ng Thessaly). Pinalaki siya ng centaurong si Chiron sa isang yungib at mula sa kanya ay natutunan ang sining ng panggagamot. Datapuwat nagawa ni Asclepius ang kasalanang walang kapatawaran, ang ibangon na muli ang patay, bagay na ikinagalit ni Hades na naaagawan tuloy ng mga kaluluwa. Sa takot na gawin ni Asclepius na imortal ang lahat ng tao, pinatay siya sa kidlat ni Zeus. Namagitan si Apollo para sa kanyang anak at hinimok si Zeus na gawin si Asclepius na dios ng medisina. Bilang dios, nagagawa ni Asclepius na pagalingin ang mga may sakit mula sa daigdig ng mga dios.

Sa loob ng maraming siglo nga, tinutungo ng mga may sakit ang templo ni Asclepius sa pagasang gumaling. Sinasabi na ang mga pumaparoon na nakasaklay ay lumilisang sumasayaw. Kabilang sa mga tanyag na templo ng dios na ito ay nasa Pergamum, Epidaurus, Cos at Roma. Hinihingi sa mga nagpapasailalim sa gamutan na matulog sa loob ng templo – ang mga sinaunang  ospital – kung saan ang kabuuang lunas ay may sangkap ng hilot, paligo, at pagpapakahulugan ng panaginip. Ang mga pinapalad ay totoo namang gumagaling at pagkatapos ay magpapatotoo sila sa pagpapagaling na kaloob ng Griyegong dios.   

Makamandag na tinuligsa ng mga sinaunang Cristiano ang sekta ni Asclepius. Pinapakita nito na matinding magkaribal ang dalawa. Napapahiya madalas ang mga Cristiano dahil sa ulit-ulit na sinasabi sa kanila na walang ginawang salamangka si Jesus na hindi ginawang mas mahusay ni Asclepius.

 

 

 

PS: Pinatay ng Dakilang Saserdote Juan si Jesus sa Templo!

“Nang mamatay si Eliashib na dakilang saserdote, ang anak niyang si Judas ang humalili sa kanya sa pagka dakilang saserdote; at nang mamatay siya, ang anak niyang si Juan ang kumuha sa gayong karangalan…

Ngayon nga si Jesus ay kapatid ni Juan, at kaibigan ni Bagoses, na nangakong ibibigay sa kanya ang pagka dakilang saserdote. Panatag sa kanyang tulong, nakipagtalo si Jesus kay Juan sa Templo, na binubuyo ang kanyang kapatid; at sa galit nito ay pinaslang siya ng kanyang kapatid.

Ngayon, karumandumal na bagay ito kay Juan bilang dakilang saserdote, na gawin ang malaking karahasang gayon; at lalo pa ngang karumandumal sapagkat wala pang ganung bagay ang ginawa na may gayong kalupitan at kalapastanganan, maging ng mga Griyego man o ng mga Barbaro..
Gayunman, hindi nagpabaya ang Dios sa pagparusa, dahil sa bagay na yaon ay inalipin ang taong-bayan, at ang Templo ay dinumihan ng ng Persiano … Alinsunod dito, kinasangkapan ni Bagoses ang dahilang ito, at pinarusahan ang mga Judio nang pitong taon dahil sa pagpaslang kay Jesus."

– Josephus, Antiquities of the Jews - 11.7.

 

 

Related articles
Home
Would they lie? (Copy and Glorify!)
 
The Apocryphal (and frequently revised) "Word of God"
 
"Brother James"Radical Jew Sanitized into Pious Christian Martyr
Now who could have been the brother of Jesus ben Damneus?
 
Jesus Christ – The Neighbour from Hell
 
Missionaries or Murderers? - The Christianising of Europe
 
1000 Years of Carnage & Barbarity in the name of Christ
MAJOR SECTIONS

Do you really think it all began with a sanctimonious Jewish wonder-worker, strolling about 1st century Palestine? Prepare to be enlightened.
  Jesus – The Imaginary Friend

Still holding to the idea that some sort of holy man lies behind the legend? Better check out...
Godman – Gestation of a Superhero

A closer look at the glib assertion that the Jesus story "got off the ground quickly and spread rapidly."
What DID the Early Christians Believe?


Many currents fed the Jesus myth, like streams and tributaries joining to form a major river.
Sourcing the legend – The Syncretic Heritage of Christianity


Much of the mythology of Christianity is a rehash of an older and even more transparent fabrication – Judaism.
Jew Story – The Way of the Rabbi


Human ingenuity and cunning is matched by mankind's equally monumental credulity and wishful thinking.
Christianity's Fabrication Factory


Church organisation, authority and membership preceded rather than followed the justifying doctrine. As the organisation and its needs changed so has the ‘Testament of God’ adapted accordingly.
Dogma – The Word in all its Savage Glory

From religious policeman to grandee of the church, from beast fighter in Ephesus to beheading in Rome, Paul's story has more holes than a swiss cheese.
 St Paul the Apostle – Dead in the water?


Orchestrated by ambitious Christian clerics, a cancer of superstition, fear and brutality was imposed across Europe.
Heart of Darkness – The Criminal History of the Christian Church


The Christian Heaven may have been a vain folly but the Christian Hell has been real enough.
Hell on Earth – A Brutal Superstition Spreads Across the World


Raised to the status of State religion the Christian Church reigned over the destruction of civilization. As the centuries passed religious barbarism grew ever more vicious.
Winter of the World – The Terrible Cost of "Christendom"

For two millennia Christianity's anti-sexual, puritanical doctrines have inflicted untold damage on the mental, emotional and physical lives of countless millions of people.
Those SEXUALLY hung-up Christians – Loved-up for Jesus


With a Jewish father (stern patriarch) and a Christian mother (obsession with guilt and heaven) it is not surprising that Islam grew up a bit of a tartar.
Islam's Desert Storm – 'Christendom' Reaps a Whirlwind

Heaven help us. The richest, most powerful nation in history has a psychotic infatuation with Jay-a-sus the Lawd!
The Christianizing of the Americas

 

 

 

 

Copyright © 2008 by Kenneth Humphreys.
Copying is freely permitted, provided credit is given to the author and no material herein is sold for profit.